65

Oct 8, 2021 @ 22:32
By

SMB tinambakan ng Tropang Giga

Kinawawa ng TNT Tropang Giga ang San Miguel, 115-98, para hablutin ang 2-1 series lead sa kanilang semifinals matchup.

Nagsimula ang delubyo ng Beermen sa Game 3 sa pinakawalang 18-0 run ng Tropang Giga at agad nalubog sa 41-25 sa second quarter.

Pinalobo pa ni Roger Pogoy sa 20 puntos ang kalamangan ng TNT sa patapos na third quarter.

Hindi bumitaw ang TNT hanggang sa fourth quarter at napanatili ang kalamangan.

Bumuhos si Pogoy ng game-high 26 points habang si Terrence Romeo ang bumuhat sa Beermen sa 22 points at pitong rebound.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?