37
SMB vs. Nlex
Jan 20, 2018 @ 11:10
By

SMB solido sa tuktok ng standings, 4-0 na

Naging mainit at pisikalan ang laban ng San Miguel Beermen at NLEX Road Warriors kagabi sa PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay.

Ilang komosyon ang naganap bago naiuwi ng SMB ang panalo sa NLEX, 109-98, kabilang na ang palitan ng maaanghang na salita nina Beermen guard Chris Ross at Road Warriors coach Yeng Guiao.

Nanguna sa opensa ng Beermen ang beterano nilang si Arwind Santos na lumagare ng 26 points, 13 rebounds at 4 assists, sapat para tanghalin niyang Player of the Game.

Perpekto pa ang kartada ng San Miguel sa 4-0 at nananatiling solido sa tuktok ng standings habang bagsak ang Road Warriors sa 2-3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?