68

Sep 24, 2021 @ 17:50
By

SMB player nanganganib mawalan ng lisensiya

Nanganganib mawalan ng lisensiyang makapaglaro sa professional basketball ang isang 3×3 player ng San Miguel Beermen.

Ito ay matapos i-blacklist ng Games and Amusements Board (GAB) si Daniel de Guzman matapos hindi siputin ang virtual meeting na itinakda ngayong araw para magbigay ng kanyang panig kaugnay sa akusasyon sa kanyang game-fixing.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni GAB chairman Baham Mitra na sasailalim si De Guzman sa proceedings ngunit suspendido na ang professional license niya “until further notice”.

Nagbabala pa si Mitra na sakaling mapatunayang guilty si De Guzman sa game-fixing allegation ay mawawalan ng professional basketball player license ang cager.

Nag-ugat ang alegasyong game-fixing laban kay De Guzman nang kumalat sa social media ang mga screenshot ng Viber conversation kung saan nagbigay umano ng maling tip ang player sa laban ng SMB at Barangay Ginebra.

Malaki umano ang nawalang pera sa may-ari ng mga screenshot dahil sa maling tip ni De Guzman. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?