59

Sep 21, 2021 @ 18:03
By

SMB player ipapatawag ng GAB

Biglang sumikat ang ‘di kilalang 3×3 player ng San Miguel Beermen na si Daniel De Guzman kaugnay ng game-fixing controversy.

Kaya naman, ipapatawag siya ng Games and Amusements Board (GAB) upang pagpaliwanagin hinggil sa isyu.

“We at the Games and Amusements Board do not tolerate any form of gambling,” pahayag ni GAB chairman Baham Mitra.

“We have asked him to make an appearance in our office to explain his side of his story,” ani Mitra.

Sumiklab ang isyu sa isang social media post ng isang Nai Nuelsan kung saan nagbigay umano ng ‘wrong tip’ si De Guzman sa kanyang kaibigan tungkol sa magiging resulta ng laban ng San Miguel at Ginebra.

Nakapagdeposit na raw ang kausap ni De Guzman ng P150,000 ngunit hindi naman naibunyag ang kabuuang halaga ng pusta.

Una nang idinipensa ni De Guzman ang kaugnayan sa paratang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?