51

Jun 19, 2020 @ 20:41

SMB player dismayado sa taas kuryente bill: Meralco-MVP mahiya kayo!

Hindi nakaligtas kay Philippine Basketball Association (PBA) star Chris Ross ang hagupit ng biglang pagtaas ng electricity bill ng Meralco katulad ng matagal nang nirereklamo ng mga konsyumer.

Dismayado rin ang San Miguel Beer (SMB) point guard dahil hindi lamang doble, triple, kundi limang beses aniya ang tinaas ng bill ng napakaraming konsyumer ngayong panahon pa man din ng COVID-19 pandemic.

“So seems like I’m not the only one @meralco is overcharging! Even the people that have paid on time every month since lock down! What’s going on with your company!” giit ng two-time PBA Finals MVP.

Kinastigo rin niya ang kompanyang pinatatakbo ni Manuel V. Pangilinan na nasa pro league rin at namahala rin sa NLEX at TNT KaTropa.

“So @meralco taking advantage of people during a pandemic. Crazy! Charging people 5 times of what their usual bill is. You should be ashamed of the way y’all are doing business!” hirit ng 35-year-old, 6-foot-1 cager.

Sunod-sunod din ang retweet ng SMB player sa mga reklamo sa social media tungkol sa ‘bill shock’ ng Meralco.

Maging ang iba pang mga lugar na nasa ilalim ng Meralco inupakan na rin ito sa taas ng electricity bill.

Pinagpapaliwanag na rin ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco.

Tengga pa ang mga laro sa PBA dahil sa lockdown sanhi ng COVID-19 pandemic. (Raymark Patriarca)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?