177

By

SMB nilasing ang Ginebra; Standhardinger namuno

Nakabangon na ang San Miguel Beermen mula sa pagkatalo sa Columbian Dyip noong Biyernes, at tinumba ang Barangay Ginebra sa iskor na 99-91.

Kontrolado ng Beermen ang laro at tinangka pa ng Gins na mag-comeback ngunit kinapos na sila sa oras.

Ang limang starters ng Beermen ay may iskor na 10 pataas. Nanguna si Christian Standhardinger na may 26 points. Si Chris Ross ay sumabwat at may 22 points, 6-12 sa three-points, at sumahog ng 8 assists. May 16 points si Marcio Lassiter at 13 points naman kay starter Von Pessumal. May double-double si five-time MVP June Mar Fajardo, 10 points at 11 rebounds.

Sa Ginebra naman ay namuno si LA Tenorio na may 24 points, sumabit din si Japeth Aguilar na may 20 points.

Parehong may 1-1 record ang Ginebra at Beermen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?