89

Dec 28, 2017 @ 12:45

SMB nadukot ang ika-2 panalo kontra Bolts

Naaksaya man ang 22 points ng San Miguel Beermen, hindi sila nawalan ng pag-asa at hinarap ang resbak ng Meralco Bolts para maiuwi ang 103-97 at maitala ang kanilang ikalawang panalo sa PBA Philippine Cup kagabi.

Naging sandigan ng SMB sina Alex Cabagnot at four-time MVP June Mar Fajardo para buhusan ang mainit na simula ng Bolts sa second half sa pagpapaulan ng tres puntos nina guard Mike Tolomia at mala-pader na depensa ni big man Ken Bono.

Tinanghal na player of the game si Cabagnot natapos maglista ng game-high 29 points, habang iniskor ni Fajardo ang 13 sa kanyang 26 points sa fourth quarter at naiangat ng Beermen ang kanilang record sa 2-0 at manguna sa NLEX sa team standings.

Mukhang tapos na ang laban nang maagang umabante ang SMB sa first half sa 55-33 lead at may 60% shooting mula sa 3-points na pinangunahan nina Cabagnot at Marcio Lassiter.

Pero gumawa ng sariling rally ang Bolts at nakakuha ng puntos kay Tolomia na may nilagareng 15 sa third quarter para mapababa ang kalamangan.

Nagising naman ang SMB at hindi hinayaang makaabante ang Bolts sa fourth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?