171
SMB mas komportable kay Rhodes – Austria sa pagpili ng import
Apr 29, 2019 @ 18:16
By

SMB mas komportable kay Rhodes – Austria sa pagpili ng import

Marami ang nagtanong matapos ianunsyo ng San Miguel Beermen na si Charles Rhodes ang kanilang magiging import at hindi si Puerto Rican athlete Renaldo Balkman.

Ayon kay Austria, isa sa mga tinitingnan nila sa papasok na conference ay chemistry, at isa yon sa mga katangiang nagustuhan nila kay Rhodes.

“A lot of players are comfortable with him, and then napagkasunduan na kung maari siya ulit and then were after the chemistry and magandang samahan eh,” ayon sa San Miguel Beer mentor sa panayam ng Abante.

Sa isang conference na paglalaro ni Rhodes noong 2017, kanilang nasungkit ang kampeonato, itinanghal din ang 33-year-old big man bilang Best Import of the Conference.

Kakagaling lang ni Rhodes sa stint sa Korean Basketball League kung saan iginiya niya ang Incheon ET Land Elephants sa finals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?