51

By

SMB mas kakatakutan sa All-Filipino dahil kay Romeo

Kumpiyansa si Kelly Nabong, dating naging kakampi sa GlobalPort ni Terrence Romeo, na mas lalong lalakas ang kanilang koponan dahil sa pagdagdag ng scoring prodigy.

Saad ni Nabong sa artikulo sa Spin.ph, siya’y excited sa magiging kampanya ng San Miguel para sa susunod na season, muling tatangkaing madepensahan ang kanilang trono sa AFC.

Nakuha ng San Miguel Beermen ang serbisyo ni Romeo kapalit sina Brian Heruela, David Semerad at isang first-round pick.

Sa huling pagsasama nina Romeo at Nabong, kanilang kinubra ang tanging semis campaign ng GlobalPort noong 2016.

“From his last stint with TNT, he seemed like he grew a lot. But it’s all about adjustments. It’s a new team, a new system, so he has to learn adjustments on who he plays with cause we got superstars here, we got scorers here,” pakli ni Nabong.

Gayunpaman, kahit gaano pa kalakas ang kanilang koponan sa papel, makakasama sina four-time PBA MVP na si June Mar Fajardo, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter at Chris Ross, dapat pa rin umanong maging maingat ang koponan at ‘wag makumpiyansa para maabot ang asam na tropeo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?