55

By

SMB mahihirapan kay Stephenson

Sagupaan nina Dez Wells at Lance Stephenson ang isa sa headlines ng semifinals ng 2nd East Asia Super League Terrific 12 2019 sa Tap Seac Multisport Pavilion sa Macau sa Sabado ng 7 pm.

Sinipa ng San Miguel Beer ang defending champion Ryukyu Golden Dragons 101-92 nitong Huwebes sa likod ng 42 points, 6 rebounds at 3 assists.

Umayuda ng 18 points si Terrence Romeo, may 15 markers, 8 boards, 2 steals at isang block ang isa pang SMB import na si Lester Prosper.

Si Stephenson ang namumuno sa Liaoning Flying Leopards, nakadalawang panalo para manguna sa Group D. Kabilang rito ang 96-91 win sa TNT nang magposte si Stephenson ng 31 pts., 6 rebs. at 8 asts.

Bawat salang ay nakakapagsumite si Wells ng 35.5 pts.

Aminado si Beermen coach Leo Austria na mahihirapan sila kay Stephenson, huling naglaro sa Los Angeles Lakers kasama si LeBron James sa nakaraang 73rd NBA season.

“First of all, it’s a great opportunity for our team especially the players who look up to Lance Stephenson when he was still playing in the NBA,” ani Austria. “Everybody knows him.”

Nag-a-average si Stephenson, 29, ng 28.0 points sa dalawang laro sa torneo.

Isa pang magiging tinik sa lalamunan ng SMB si 7-foot-2 Salah Mejri, dati ring naglaro sa Dallas Mavericks at sa Tunisia na humagupit sa Gilas Pilipinas 86-67 sa classification round ng katatapos na FIBA World Cup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?