62
San Miguel Beermen Arwind Santos Chris Ross
Feb 23, 2018 @ 14:57

SMB-less Fajardo sasandal kina Ross, Arwind para sa top 2 spot

Malapit sa katotohanan ang San Miguel Beer para tumapos na top-2 sa PBA Philippine Cup elimination round sa pagharap nito sa KIA sa Araneta Coliseum ngayong araw.

Magsisimula ng alas-4:30 ng hapon ang laban ng Beermen, kasunod nito ang bakbakan naman ng Rain or Shine at Alaska ng alas-siyete ng gabi.

Sakaling padapain ng SMB (7-2) ang KIA (1-9), makakasiguro na si coach Leo Austria at kanyang koponan para pumuwesto sa top 2 na may twice to beat incentive.

Maglalaro na wala ang kanilang big man na si June Mar Fajardo ang SMB, dahil tinapik ito para tumulong sa Gilas Pilipinas sa kampanya ng bansa sa FIBA World Cup.

Aasa si Austria kina Chris Ross, Marcio Lassiter at Arwind Santos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?