93

Oct 28, 2017 @ 11:04

SMB-Kia trade aprub kay Narvasa

Kapag nakuha ng San Miguel Beer sa No. 1 pick si Christian Standhardinger sa PBA Draft bukas sa Robinsons Place Manila, magiging napakalupit na ng komposisyon ng team ni Leo Austria.

Kapag nasa SMB na si 6-foot-8 Standhardinger, magsasama sila ni 6-10 June Mar Fajardo at buo na ang bersiyon ng Beermen ng Twin Towers.

Si reigning four-time MVP Fajardo, katuwang sa post ang pinakamalaki at top prospect sa Draft.

Aprubado na ni PBA commissioner Chito Narvasa ang trade, binigay ng Kia ang No. 1 pick sa SMB kapalit nina Ronald Tubid, Jay-R Reyes, Rashawn McCarthy at 2019 first-round pick.

Isahog pa ang teammates ni Fajardo na kasama rin niya sa First Mythical Team ng 2016-17 season na sina Chris Ross, Alex Cabagnot at Arwind Santos.

Nakasingit sa First Team si Japeth Aguilar, ang partner ni Greg Slaughter bilang Twin Towers din ng Ginebra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?