2,810

By

SMB import McCullough nabighani sa courtside reporter

Mabenta talaga ang ganda ng mga Pinay sa mga banyaga, pati na rin kay San Miguel import na si Chris McCullough.

Sa Instagram story ng 24-year old baller, binahagi nito ang kanyang interview bilang best player sa Game 4 ng finals series.

Ang nakapukaw sa mata ng Kano? Walang iba kundi ang PBA courtside reporter na si Rizza Diaz.

Kitang malagkit ang titig ni McCullough kay Diaz, ebidensya pa ang caption na ‘When she give you that look’.

Sa nasabing laro, tumapos si McCullough nang may 27 points at 22 rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?