17
smartmatic
By

Smartmatic, pinapapalitan sa Comelec sa 2019 elections

Sharing is caring!

Nagbanta ang minorya sa Kamara na hindi bibigyan ng budget ang Commission on Elections para sa susunod na taon kung hindi papalitan ang Smartmatic bilang service provider sa midterm elections.

Sinabi ito ni House minority leader Danilo Suarez dahil sa aniya’y napakaraming kapalpakan ng Smartmatics sa mga nakalipas na automated elections.

“Kapag ginamit nila ang Smartmatic, we’ll move for the rejection ng budget ng Comelec for 2019,” ayon kay Suarez.

Sinegundahan ito ni Deputy minority leader at Buhay partylist Rep. Lito Atienza na nagsabing dahil sa palpak na serbisyo ng Smartmatic kaya may recount sa Korte Suprema bilang Presidential Electoral Tribunal, sina Vice President Leni Robredo at ang kanyang nakalabang si dating Senador Bongbong Marcos.

“Itong nakikita ngayon sa Presidential Electoral Tribunal should be sufficient basis for getting a local provider of our computerized system,” sabi ni Atienza.

“Marami naman tayong marurunong na Pilipino, magagaling nga tayo. Bakit banyaga pa ang ating ginagamit na marami naman masyadong kababalaghan ang nangyayari?” dagdag ng kongresista.

Sinabi ni Suarez na dapat idaan sa bidding ang bagong technology provider para sa susunod na halalan.

“Marami namang ibang entity. I-bid natin kung sino ang magse-serve. At kung hindi natin kaya, i-localize na lang. Why do we need a foreign entity to handle the counting?” giit ni Suarez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?