28

Jul 2, 2021 @ 21:31
By

Omega, bagong mukha sa MPL Season 8

Massive revamp ang nais ng Mobile Legends team na Omega Esports para sa darating na MPL Season 8.

Dahil dito, inanunsyo ng koponan nitong Biyernes na ang lahat ng mga lumaro sa kanila nitong nakaraang season ay hindi na kasali sa lineup nila.

Mataas ang naging tingin ng ibang koponan sa Omega matapos makuha ang ikalawang pwesto sa MPL Season 6. Gayunpaman, sa Season 7 ay laglag agad sa playoffs ang koponan sa lower bracket matapos matalo sa Execration, 3-2.

Kaya naman sa tangka nilang maibalik ang sigla ng kanilang laro ay nagpaalam na sila sa dating mga manlalaro na sina Jeniel “Haze” Bata-anon, Kenneth Jiane “Kenji” Villa, EJ “Heath” Esperanza, Adrian “Toshi” Bacallo, Salic “Hadjizy” Imam at Jankurt “KurTzy” Matira.

“We have nothing but gratitude towards you guys. Thank you for all of your efforts with Omega Esports and thank you for being our family and friend for all these years. Good luck on your journey! Don’t forget that we’ll always be your family,” pahayag ng Omega.

Sa kaugnay na balita, napaulat na sa Nexplay EVOS ang punta ni Haze.

Samantala, hindi pa naman ibinunyag ng Omega ang mga bago nilang manlalaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?