53
romeo1
May 26, 2018 @ 17:35
By

Smart Nationals inakay ni Terrence Romeo

Binuhat ni Terrence Romeo ang Smart Nationals tungo sa 152-149 panalo kontra Luzon All-Stars Biyernes ng gabi sa Batangas City Coliseum.

Unang kalahati pa lamang ng laro ay nag-init agad ang TNT Star sa pagkamada ng 26 tungo sa total 48 points kasahog ang 6 rebounds at 11 assists.

Ngunit kahit na lumaki hanggang 20 points ang kalamangan ng Smart hindi parin sumuko ang Luzon at muli itong nakadikit dahil sa dalawang tres ni Arwind Santos 1:22 pa sa orasan.

May pag-asa sanang maitabla ni L.A Tenorio ang Luzon subalit kabyos ang tira nito kasabay ng buzzer.

Nagsalpak si Romeo ng pito sa 16 na tres para hiranging PBA Luzon All Star Most Valuable Player.

Nahigitan ng 26-anyos na si Romeo ang pinakamaraming puntos sa All-star na dating hawak nina Dylan Ababou at James Yap na parehong 44 points na naging co-MVP’s noong 2012 PBA All Star na ginanap sa Laoag, Ilocos Norte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?