6

By ,

Smart balik panalo, Soltones trumabaho

Sharing is caring!

Naitakas ng Smart Giga Hitters ang panalo kontra Cocolife Asset Managers sa loob ng limang set, 25-16, 18-25, 25-20, 23-25, 15-11, sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan, Huwebes ng hapon.

Nakabawi ang Giga Hitters mula sa pagkatalo sa huling laro para sa 2-2 baraha, laglag naman ang Cocolife sa 0-4 marka.

Nanguna para sa Smart si Gretchel Soltones na may 17 puntos sa likod ng 15 attacks at isang block katuwang si Czarina Carandang na may 13 puntos.

Sa fourth set ng laban ay lamang ng apat na puntos ang Cocolife, 16-12, pero nagawa pa rin tablahin ito ng Smart, 16-all. Dito muling umangat ang laro ng Asset Managers at sa huling atake ni Kalei Mau at nagpwersa ang laro sa isang decider.

Pagpasok ng fifth set ay parehong uhaw sa panalo ang dalawang tropa pero mas nanaig ang Smart nang tuluyang selyuhan ang laro, 15-11.

Nanguna para Cocolife si Kalei Mau na may 25 puntos at mayroon din itong 27 excellent reception at 15 excellent dig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?