55

Jul 4, 2018 @ 18:43
By ,

Smart-Army poposasan ang Cocolife

Isa lang sa Smart-Army Giga Hitters at Cocolife Asset Managers ang makakasungkit ng solo second spot sa Pool B ng 2018 Chooks-to-Go Philippine Superliga (PSL) sa oras na magharap sila alas-siyete ng gabi ngayong araw sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Parehong puntirya ng dalawang koponan na magkaroon ng pagkakataon na makasungkit ng semifinal berth sa torneo.

Sa kabilang banda, ang lider ng Pool A na Generika-Ayala ay kailangang masikwat ang F2 Logistics sa kanilang unang paghaharap para makasiguro ng pwesto sa semis.

Uminit ang aksyon ng nagpakita ng magandang laro ang Generika nang masungkit ang dalawang sunod na panalo kontra Foton at United Auctioneers – University of the Philippines habang ang F2 naman ay kababalik matapos ang kanilang fourth place finish sa 2018 Sealect Tuna Women’s Volleyball Championships sa Sisaket, Thailand.

Ibabandera ng Generika sina Angeli Araneta, Bang Pineda, Patty Orendain, Ria Meneses at Kat Arado.

“F2 Logistics is a very solid team. Even if you’re playing their second unit, it’s like facing the starters. But the ball is round. I think we’re capable of pulling an upset because my players are working very hard,” ani Generika-Ayala head coach Sherwin Meneses.

Samantala tangan naman ng Cargo Movers ang kanilang manlalaro na sina Cha Cruz, Ara Galang, Aby Marano, Kim Dy, Kim Fajardo at Dawn Macandili.

“It was a tiring tournament, but we gained necessary experience regardless of our finish. It was a big boost for F2 Logistics,” ani F2 Logistics head coach Ramil de Jesus tungkol sa kanilang matagumpay na kampanya sa Thailand. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?