294

Nov 24, 2021 @ 18:46
By

SM sa Caloocan bubuksan na!

Inanunsyo ng SM Prime Holdings Inc. na tuloy ang pagbubukas ng kanilang bagong mall sa Metro Manila.

Ayon sa SM Prime, bubuksan ang SM City Grand Central sa Caloocan City sa Biyernes, Nov. 26.

May anim na palapag ang SM City Grand Central para sa shopping, dining, entertainment at recreational.

Mahigit 700 din ang parking slot nito, apat ang sinehan, may foodcourt, cyberzone, satellite office ng Department of Foreign Affairs, Chapel of Our Lady of the Most Holy Rosary at The Skylight Park indoor garden.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?