8

Sep 16, 2020 @ 20:30
By

SM maglalagay ng mga bike-friendly facility

Dahil dumarami na ang gumagamit ng bisikleta bilang alternatibong sasakyan, naisipan ng SM Supermalls na gawing bike-friendly ang kanilang mga mall.

Ayon sa kompanya, magtatayo sila ng mga bike-friendly facility para sa cycling community.

Sisimulan ito sa SM Mall of Asia ngayong September.

Maliban sa paglalagay ng mga bike lane at bike-centric street sign, patataasin din ng SM ang kanilang parking capacity at maglalaan ng mga repair station, helmet depository, bike supply at refreshment area.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?