425
eneral Ronald ‘Bato’ dela Rosa
Dec 13, 2017 @ 9:18
By

Slogan ng PNP vs war on drugs, papalitan

Bukas si Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa sa suhestiyon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Dir. Gen. Aaron Aquino na ang slogan ng kampanya kontra iligal na droga.

Ito ang rekasiyon ni Dela Rosa matapos ihayag ni Aquino nang talakayin ang pag-uugnay ng publiko sa ‘Oplan Double Barrel’ at ‘Oplan Tokhang’ sa madugong kampanya kontra droga.

“Walang problema kung palitan ang pangalan ng ‘Oplan Double Barrel’ at ‘Oplan Tokhang’ pero what’s in the name ba?,” ani Dela Rosa.

Gayunman, sinabi ni Dela Rosa na kahit na ano pang slogan ang gamitin ng PNP tiyak na hahanap at hahanap pa rin ng ma-iisyu sa PNP ang mga kritiko ng war on drugs.

“Sa akin hindi na importante kung ano pa ang itawag sa kampanya kontra droga dahil ang mas importante ay ang resulta,” dagdag pa ng chief PNP.

Pero sinabi ni Dela Rosa na gagawin na lang ng PNP ang lahat para hindi na maging masyadong madugo ang war on drugs at hindi na magkaroon pa ng dahilan ang publiko na mahanapan ng butas ang mga pulis na maaaring makasira sa imahe ng PNP. (Betchai Julian)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?