86

Sep 11, 2021 @ 18:59
By

Slaughter suka ng P20K matapos ang F2

Pinagmumulta ng P20,000 si Northport center Greg Slaughter matapos ang kanyang flagrant foul penalty 2 sa laro nila ngayong Sabado kontra Terrafirma.

“Pag tumawag ng F2 yung mga referees, sinisiguradong pang F2 talaga,” wika ni PBA commissioner Willie Marcial. “Sa nakita ko kasi, hinatak niya pa pababa.”

Ang hard foul ni Slaughter ay naganap sa unang bahagi ng second quarter at natapos lamang niya ang laro na may dalawang puntos dahil sa ejection.

Gayunpaman, halos ‘di ininda ng Batang Pier ang kawalan ni Slaughter at naibulsa pa ang 104-84 panalo para mapaganda ang kartada sa 3-3.

Wala pa namang desisyon ang PBA kung masususpinde si Slaughter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?