109

By

Slaughter, Pringle, 4 pang Ginebra player, dadalhin ni Cone sa SEA Games

Posibleng magsabay-sabay sa lima ni Tim Cone sa hardcourt ang kanyang mga bataan sa Ginebra sa 30th Southeast Asian Games men’s basketball tournament.

Sa 15-man pool para sa SEA Games, anim dito ay mula sa crowd favorite Ginebra, ito ay ang tatlong guard na sina Stanley Pringle, LA Tenorio at Scottie Thompson; forwards Art dela Cruz at Japeth Aguilar; at sentrong si Greg Slaughter.

Apat naman mula sa San Miguel Beermen ang sasalang para sa regional meet, hahambalos para sa Pilipinas si five-time PBA MVP June Mar Fajardo, Christian Standhardinger, Marcio Lassiter at Chris Ross.

Samantala, kasama naman sa pool ang tatlong manlalaro mula TNT ang kasali sa katauhan nina Jayson Castro, RR Pogoy at Troy Rosario, tanging si Vic Manuel para sa Alaska at Matthew Wright sa Phoenix.

Walang nakasamang amateur sa lineup ng Gilas, na nilahad ang lineup sa press conference kasama ang mga PBA team governor at PH head coach Tim Cone, pati na rin si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?