189

By

Slaughter pormal nang inimbitahan sa Gilas Pilipinas

Sharing is caring!

Mukhang malaki ang tsansang mapasama ang pangalan ni Greg Slaughter sa lineup ng Gilas Pilipinas sa parating na next window ng FIBA.

Sa kanyang Twitter post, ihinayag ng Ginebra slotman na natanggap na niya ang call-up para maging bahagi ng National team.

Una nang naging bahagi ang 7-footer sa Gilas program noong 2009 bago ito nakilala sa PBA.

Sa kasalukuyan, humamig na ang 30-anyos ng iba’t ibang parangal sa local league, naging Best Player of the Conference awardee noong 2017 at tatlong beses na ring nagkampeon sa PBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?