90

Mar 5, 2021 @ 10:53
By

Slaughter pinakawalan ng Ginebra, Standhardinger bagong ka-Barangay!

Natuloy na ang isa pang blockbuster trade na muling yumanig sa mundo ng PBA.

Inaprubahan na ng PBA trade committee ang palitan ng tao sa pagitan ng Barangay Ginebra San Miguel at NorthPort Batang Pier.

Sa nasabing trade, mapupunta si Greg Slaughter sa NorthPort, habang biyahe naman patungong Ginebra si Christian Standhardinger.

Ang dalawang player ay kapwa first overall pick sa mga nagdaang taon, 2017 nang kunin ng San Miguel Beermen si C-Stan habang 2013 naman si Slaughter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?