100

Jan 2, 2018 @ 12:28

Slaughter pantapat kay June Mar – Cone

Tiwala si Barangay Ginebra coach Tim Cone na may pantapat sila kay ‘The Kraken’ ng PBA na si Beermen June Mar Fajardo.

Ani Cone sa Spin.ph, masuwerte sila at may Greg Slaughter na kayang pantayan ang big man ng SMB.

Sa pagsisimula ng kampanya ng Ginebra sa PBA Philippine Cup, nakapagtala si ‘Gregzilla’ ng 24 points, 13 rebounds at four blocks para tulungan ang Gin Kings na makaalpas sa Magnolia Hotshots noong Pasko, 89-78.

Sumailalim sa operasyon noon si Slaughter dahil sa bone spurs sa bukung-bukong at nawala ng halos isang taon sa mga laro ng Ginebra.

Naniniwala si Cone na susi si Slaughter para pigilan ang SMB sa asam na makuha ang ika-apat na sunod nilang all-Filipino crown.

Unang maghaharap ang Beermen at Gin Kings ngayong 43rd season sa Enero 28 sa Smart Araneta Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?