120

Dec 26, 2017 @ 11:16

Slaughter nangalabaw; Ginebra pinadapa ang Magnolia sa Araw ng Pasko

Kapadong-kapado na ng Barangay Ginebra kung paano talunin ang Magnolia matapos iwasiwas ang huli nitong Pasko sa pamamagitan ng 89-78 panalo sa simula ng kanilang kampanya sa PBA Philippine Cup.

Hindi nakitaan ng kalawang ang Gin Kings matapos kunin ang kanilang limang sunod na panalo kontra Hotshots sa Christmas day games.

Tulad ng dati, nangalabaw ng todo si Greg Slaughter na nanguna sa Gin Kings sa kanyang natipong 24 points, 12 rebounds, four blocks at two assists.

Karamihan ng kanyang puntos ay mula sa magandang laro din LA Tenorio na siyang nagpatakbo ng opensa ng Ginebra sa kasiyahan ng 22,000 fans na nanood ng laban sa Philippine Arena.

Namigay ng walong assists si Tenorio at mga recipients niya ang twin towers ng Gin Kings na sina Slaughter at Japeth Aguilar na naka-slam dunk pa sa huling minuto ng laban.

Bukod sa walong assists, may 15 points si Tenorio na sinahugan ng five boards, five steals at isang block sa 34 minutong paglalaro.

Ang backcourt partner niyang Scottie Thompson na naglaro ng 41 minuto ay nagtapos naman ng 9 rebounds, seven assists, six points at one steal para punan ang pagkawala ng mga injured na sina Joe Devance and Art dela Cruz.
Namuno sa Hotshots si Ian Sangalang na may 25 points at 11 rebounds.

GINEBRA 89 — Slaughter 24, Tenorio 15, J. Aguilar 12, Cruz 12, Caguioa 7, Ferrer 7, Thompson 6, Mariano 4, Taha 2, R. Aguilar 0, Manuel 0

MAGNOLIA 78 — Sangalang 25, Lee 16, Simon 15, Pingris 6, Barroca 4, Dela Rosa 4, Gamalinda 4, Herndon 2, Melton 2, Ramos 0, Brondial 0, Pascual 0

Quarterscores: 22-17, 48-37, 66-60, 89-78

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?