34

By

Slaughter ekis sa Team Pilipinas kontra Qatar

Sharing is caring!

Hindi na makakalaro si Greg Slaughter laban sa Qatar para sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers dahil sa kanyang ankle injury.

Desidido na si Team Pilipinas head coach Yeng Guiao na mas mabuting hindi na tuluyang isama ang 7-foot center ng Ginebra sa Final 12 sa darating na Lunes, Setyembre 17.

“Si Greg, I think, is not going to be available,” sabi ni Guiao. “Wala na talaga.”

Natamo niya ang ankle injury noong labang Ginebra laban sa Northport noong fourth quarter kung kaya’t hindi siya nakilahok sa practice ng koponan.

Kung sakaling hindi nainjured si ‘Gregzilla’, makakalaro sana siya sa Nationals bilang isang local player sapagkat naaprubahan naman ng FIBA ang kanyang legitimacy bilang isang Filipino.

Gayumpaman, nakakasama pa rin si Slaughter sa mga laban ng Team Pilipinas kung saan ipinapikita niya ang kanyang buong suporta sa kanyang kapwa manlalaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?