63

By

Slaughter ‘di nagpadaig sa injury, sabak pa rin sa Gilas

Sharing is caring!

Hindi na natapos ni Ginebra Gin Kings big man Greg Slaughter ang 104-98 victory nila kontra NorthPort Batang Pier, Miyerkoles ng gabi, dahil natapilok siya sa 5:49 mark sa fourth quarter ng laban.

“Luckily, there was a body right under me on that rebound. I twisted. But we’ll see tomorrow,” komento ni Slaughter sa natamong injury nang bumagsak kasabay ni Sean Anthony sa naturang yugto ng bakbakan.

Sa kabila nito, desidio si Gregzilla na dumalo sa practice ng Gilas Pilipinas ngayong araw bilang paghahanda pa rin sa pagsabak ng Nationals sa fourth window ng 2019 FIBA Asia Qualifiers sa Setyembre 13 kontra Iran sa Tehran at sa Setyembre 17 kontra Qatar sa Big Dome.

“Absolutely, no doubt,” sabi ni Slaugther.

Kahit na ramdam niya ang kirot sa kanyang paa, naniniwala siyang hihilom rin nang onti-onti ang kanyang injury sa oras na mag-ensayo siya para sa Gilas.

Kasalukyang naghihintay ng clearance sa FIBA si Slaughter upang makalaro para sa Gilas bilang isang local player. (Cyreel Gian Zarate)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?