228

By

Slaughter, Cabagnot, Erram tapyas sa Team Pilipinas vs Iran

Pinalitan sina Ginebra slotman Greg Slaughter, San Miguel guard Alex Cabagnot at Blackwater center Poy Erram sa lineup ng Team Pilipinas na lalaban kontra sa powerhouse team ng Iran bukas, Disyembre 3, para sa fifth window ng Fiba Asia World qualifiers.

Hahalili sa kanila ang katatapos lang ng suspensyon na magkakampi sa TNT KaTropa na sina Jayson Castro at Troy Rosario, kasama rin ang one-time PBA MVP na si Arwind Santos.

Para naman sa naturalized player spot, pahinga muna si Stanley Pringle at salang ang Fil-German na si Christian Standhardinger.

Sasamahan ng apat sina LA Tenorio, Scottie Thompson, Gabe Norwood, Beau Belga, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Matthew Wright at Marcio Lassiter.

Sina Slaughter at Cabagnot ay walang naiskor sa kanilang pagkatalo kontra Kazakhstan noong Biyernes, 88-92, habang dos puntos lang ang naiambag ni Erram.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?