64

By

Slaughter bomalabs makabalik

Sharing is caring!

Mukhang matatagalan pa bago makabalik si Greg Slaughter sa aksiyon at wala pang kasiguraduhan kung makakapaglaro sa PBA Philippine Cup best-of-7 semifinals game bukas (Marso 15) ng alas-siyete ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Kahit na si Tim Cone ay duda pa rin na makakaya ng 7-footer niyang manlalaro na makapaglaro pa sa serye lalo na’t halos nasa kalagitnaan na ito dahil nagtamo ng pilay sa kaliwang bukong-bukong sa kanilang ensayo.

Araw-araw ang check-up at sumasailalim sa therapy ang higante ng Gins para lang mabilis gumaling at makabalik na sa laro.

“We’re trying to get him back in, but nothing’s working so far. He’s still got swelling and pain in his foot,” sabi ng Gin Kings coach matapos makuha ang panalo sa Game 3 noong Martes, 95-87, sa MOA.

“Team staff are doing everything for Slaughter’s injury to heal, including having a battery of trainers work on him everyday while undergoing therapy 24 hours a day,” hirit pa ni Cone.

Kaya naman ngayon blangko pa rin ang Gin Kings kung kailan makakabalik si Slaughter dahil na rin sa laki at bigat nito, lalo silang nahihirapan na mapagaling ang iniinda niya.

“It’s different for a seven-footer and a 280-pound guy, unlike me at 5-foot-10 and 180 pounds. It’s a lot different for him than us,” ani Cone. “There’s just so much weight that goes on to that ligament and it’s really hard to heal than it is for smaller guys.

“And we have to keep that in mind and keep his long-term health in mind too,” panapos ng 60-anyos na bench tactician. “There’s a lot of factors that go on whether he can play or not. So as of now, he can’t play,” pagtatapos pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }