38

By

Slaughter binigyan ng ‘ultimatum’ ni Guiao, paglahok sa FIBA delikado

Sharing is caring!

Panibagong problema na naman ang kinakaharap ni coach Yeng Guiao sa pinangangambahang ‘di paghilom sa oras ng injury ni Ginebra slotman Greg Slaughter at hanggang ngayon ay ’di pa nakakapag-ensayo.

Kaya’t tikom pa rin ang bibig ni Guiao sa posibleng final 12 na kanyang ibabandera kontra sa Iran sa Setyembre 13, tatlong araw na lang mula ngayon.

“We are waiting for him to practice kaya hindi pa kami nagde-desisyon. Kapag nakita ko kundisyon niya sa first practice, made-decide ko kung puwede siyang gamitin or hindi. Then, we will make the line-up.” saad ni Guiao sa spin.ph matapos ang ensayo ng Gilas nitong Lunes sa Meralco Gym.

Sinabi ni Guiao na hanggang Martes na lang, Setyembre 11, ang ibibigay nitong oras dahil kukulangin sa ensayo ang 7-footer.

“Our first practice in Iran is afternoon or evening of Tuesday (Iran time). Once we make that, if he cannot practice on Tuesday, that means hindi siya puwede. Hindi naman siya puwedeng mag-practice ng isang araw tapos maglalaro na. I think that’s the time we can make the Final 12,” ani Guiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?