55

By

Slaughter, Belga handang sumabak sa Gilas

Ang mga dating miyembro ng Gilas national team, handang tumugon kapag muling tinawag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas para sa isa pang tour of duty.

Suspendido ang 10 sa Gilas Pilipinas na sangkot sa basketball riot kontra Australia noong July 2, hagip ang mga laro sa susunod pang windows ng 2019 FIBA World Cup Asian qualifiers.

Ang susunod na window ay sa September na.

Si Gabe Norwood na hindi nabigyan ng sanction kasama sina June Mar Fajardo, Baser Amer at Allein Maliksi, ipinapaubaya sa “higher-ups” ang susunod na hakbang.

“We’ll see what happens and how it plays out,” ani Norwood pagkatapos ng 109-100 win ng Rain or Shine sa Ginebra sa Game 2 ng PBA Commissioner’s Cup noong Huwebes sa Smart Araneta Coliseum.

“Right now my focus is here in the PBA, and let the higher-ups take care of that. I’m sure they’re gonna do what they have to do to put the best team out there.”

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na ang 12 teams sa PBA ang pool ng SBP, pwede silang humugot ng players na ipapalit sa mga suspendido.

Handang tumugon si Greg Slaughter na dati nang naging miyembro ng National team pero kumalas dahil sa injury.

“The first time I did that I had a really good time, learned a lot, developed as a player. God willing, you know, I hope to be there again,” anang 7-foot-1 Ginebra center. “Now I’m healthy and I feel I’m starting to get my rhythm back, so I’m glad to play for the national team.”

Si Jeff Chan, handa ring bumalik sa Gilas kung tatawagin.

“Kailangan natin tanggapin,” anang Ginebra gunner nang matanong hinggil sa desisyon ng FIBA. “Maganda sa may pool tayo, kasi meron tayong mabubunot in case na may mga incident na ganun. I guess kailangan nila mag-step up.”

Babalik siya sa national team, basta hindi makakaapekto sa schedule sa PBA.

“Kung may chance, why not, ‘di ba? Na-miss ko din naman ‘yung lalaro para sa Philippines,” aniya.

Si Beau Belga, para sa bayan ay babalik kung kinakailangan. Hindi raw siya hihindi.

“’Yun ‘yung pinag-uusapan namin kanina sa dugout, ako, si James, si J-Wash (Jay Washington), si Chris (Tiu). Sinasabi ko na, ‘Oh, ready kayo ipapatawag kayo,’” natatawang pahayag ni Big Beau bago nagseryoso. “Hindi ko naman isinasara ‘yung opportunity for me to play for the national team. If given the chance, why not ‘di ba? For flag and country pa rin, so bahala na. Tignan na lang natin.” ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?