14

By ,

Slam Jam ng Marcelino twins patok sa socmed

Sharing is caring!

Hindi makapaniwala ang kambal na Jaycee at Jayvee Marcelino ng Lyceum Pirates nang ilabas sa Bleacher Report, isang international sports site, ang ginawa nilang Slam Jam sa NCAA All-Star Games nitong nagdaang Biyernes.

Noong Linggo ay pinost ng Bleacher Report sa kanilang Instagram account ang video kung saan ay nagtulungan ang kambal para makapagdakdak.

“Siyempre nakakataba ng puso ‘yun eh. Bihira lang dito na makuha sa ganung video saka hindi namin expected na aabot ng international ‘yung video na ‘yun. Ang gusto lang namin ay mapasaya ‘yung mga nanunuod,” saad ni Jayvee.

Para naman sa coach ng kambal na si Topex Robinson masaya siya at proud sa kambal dahil sa nakuhang atensyon.

“As a father you know, it’s something you’re proud of, seeing your children getting that kind of attention, though again, it replicates the program that we have,” ani Robinson.

Sa ngayon ay higit isang milyon na ang views ng naturang video at mayroong higit 200,000 likes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?