169

Jul 22, 2018 @ 17:26
By

Skyway users, puwede nang dumaan sa Java Street sa Makati City – DPWH

Binuksan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 3-lane, northbound direction ng Skyway Stage 3 mula Buendia Avenue hanggang sa gawi ng Java Street sa Makati City.

Ayon kayn DPWH Secretary Mark Villar, sa halip na dumaan sa Buendia ay maari nang dumaan ang mga motorista sa South Super Highway sa pamamagitan ng temporary ramp na itinayo malapit sa Java Street.

“The section, which spans 1-kilometer, will be temporarily opened until full completion of Phase 1, which ends in President Quirino Avenue in Manila,” paliwanag ni Villar.

Sa ngayon ay bukas pa lamang umano sa isang lane ang temporary ramp malapit sa Java Street pero kalaunan ito ay bubuksan sa apat na lane sa oras na gawing bukas sa publiko ang southbound direction.

Ang Skyway Stage 3 ay binubuo ng anim na lane at ito ay elevated expressway na bumabaybay ng 17.54 kilometers mula Buendia, Makati City patungong Balintawak, Quezon City. /

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?