47

May 2, 2021 @ 12:07
By

Skusta Clee naiyak! Vlogger Zeinab nanganak na

Ganap nang mommy at daddy sina Skusta Clee at Zeinab Harake.

Sa vlog ni Skusta, binahagi niya ang kanilang journey sa panganganak ng kanyang girlfriend noong April 28.

Nilarawan ng rapper/singer ang kanilang baby bilang, ‘Pinakamagandang nangyari sa buong buhay’ niya.

Nang isilang na si Baby Bia ay makikitang pinunasan ni Skusta ang kanyang luha, at gustong lapitan agad ang kanilang anak.

Nakilala si Skusta bilang member ng Ex-Battalion, habang si Zeinab naman ay kilalang vlogger.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?