32

Jun 13, 2020 @ 14:33
By

Skilled, professional OFWs bigyan ng trabaho

Dapat bigyan ng trabaho ang mga skilled at professional na overseas Filipino worker (OFW) na umuwi sa bansa matapos na mawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Panawagan ito ni ACT-CIS Party-list Rep. Jocelyn Tulfo na kung saan tinukoy nito ang pagtuturo na isa sa nakita niyang magandang alternatibong trabaho na maaaring ibigay sa ilang OFW.

Kaya hiniling ng kongresista sa education agencies na tulungan ang mga skilled at professional OFW na may mapapasukang trabaho.

“It would be simply a matter of matching the OFWs with the colleges and other schools near where their homes are or within the reach of their internet signals (for online teaching),” ayon sa solon.

Bukod dito, inihalimbawa pa ng solon ang maritime colleges, training centers, at senior high schools na maaaring kunin ang mga seafarer sa pamamagitan ng contract of service o job order habang ang HRM at culinary schools ay maaari sila’y kunin bilang faculty, o kaya’y kunin bilang chefs, cooks, banquet crew, at housekeeping staff ng cruise ships.

Maging ang mga BPO ay maaring nangangailangan ng mga skilled and professional OFW bilang specialists o eksperto sa mga international work experience.

Dagdag ng kongresista, ang DepEd, CHED, at TESDA ay mayroon nang umiiral na polisiya pagdating sa pag-hire o pagkuha ng tao na tugma sa kanilang kuwalipikasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?