62
didal
By

Skateboarder Didal, 2 iba pa kakasa sa Asiad

Tatlong atleta ang magiging bets ng Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines Inc. sa 18th Asian Games 2018 sa Jakarta-Palembang, Indonesia sa parating na Agosto 18-Setyembre 2.

Sila ay sina Margielyn Didal, 19, ng Cebu City, Mark Renzo ‘Mak’ Feliciano, 20, ng Baler, Aurora, at Jefferson Gonzales, 29, ng Manila.

Kakasa sila sa women’s at men’s street event individual ng skateboarding sa nalalapit na Asiad.

“We choose them based on their standings in the last national championships,” bigkas kahapon ni SRSAP president Monty Mendigoria. “And they are, our top skateboard athletes right now. Si Margielyn top female natin, sina Feliciano at Gonzales palitan lang sila sa top male rankings.”

Bago ang sumabak sa quadrennial sportsfest, aangas muna si Didal sa Street League Series (ang NBA ng skateboarding) sa London sa Mayo 25 bago dederetso sa Hong Kong para samahan pa sina Feliciano at Gonzales sa training camp naman doon.

Ito ang unang pagkakataon na magiging medal sport ang skateboarding sa Asian Games tapos maging demo sa 2010 Guangzhou Asiad.

Kasama na rin ang skakeboarding sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?