120

By

Skarlet Brown, Kowboy Santos nagsalita sa isyu ni Marcus Adoro

Ilang mga sikat na pangalan sa music industry ang naglabas ng kanilang opinyon patungkol sa kontrobersiya ng diumano’y domestic abuse ni dating Eraserheads lead guitarist Marcus Adoro.

Kamakailan lang, nilantad ni Barbara Ruaro, dati nitong partner ang naranasan nitong domestic abuse sa lalaki at nagsabing nagsampa na ito ng kasong paglabag sa Republic Act 9262 o ang “Anti-Violence Against Women and Children (VAWC) Act.”

Isang linggo matapos nito, inihayag din ni Syd Hartha Chua, anak ni Adoro, ang umano’y pang-aabuso at victim-blaming na naranasan sa ama.

Sa Facebook sinabi ni Skarlet Brown, dating bokalista ng bandang Put3Ska, na dapat ilantad ang “abuser” na “musikero.”

Sinabi rin ni Brown na dapat humarap na sa mga binibintang na kaso si “Narcus Adoro.”

Samantala, sinabi naman ni Generation vocalist Kowboy Santos na isang matapang na aksyon ang paglantad tungkol sa abusadong celebrity parent. Si Santos ang anak ng ’70s rock star na si Sampaguita.

Hindi man nagbanggit ng pangalan si Santos, pero mistulang pinapatungkulan nito ang ginawang paglantad ni Syd.

“having an abusive parent as a celebrity, and speaking out about it takes courage,” ani Kowboy.

“fame is a b*tch. some can balance their superstardom and family life, but not when drugs are in the mix. which unfortunately, is usually the case in rocknroll,” dagdag niya.

Hanggang ngayon, wala pang nilalabas na pahayag si Adoro tungkol sa mga nasabing bintang.

Si Adoro ang dating lead guitarist ng Pinoy band na Eraserheads at kilala rin bilang “Markus Highway.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?