148

Jun 8, 2021 @ 15:08
By

SK chairman, tulak, arestado sa buy-bust

Arestado ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman kasama ang isang tulak ng droga sa isang buy-bust operation sa Pasay City Lunes ng gabi.

Kinilala ang SK chairman na si Archie Gabriel, na nagsisilbi sa Barangay 189. Samantala, ang tulak ay kinilalang si Eleonor Odtuhan, 35 anyos.

Ayon sa awtoridad, si Odtuhan, na mas kilala sa alyas na ‘madam,’ ay isang lider ng mga tulak at supplier na rin ng droga sa lungsod.

Si Odtuhan lamang ang pakay ng operasyon dakong alas-9:00 p.m. ng gabi ngunit sinubukan nitong tumakas at nagtago sa bahay ni Gabriel.

Nang tinanong umano ang SK chairman sa kinalalagyan ng suspek ay nagsinungaling ito.

Kaya naman obstruction of justice ang kasong ipapataw kay Gabriel habang paglabag naman sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 naman ang ikakaso kay Odtuhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?