97
views

By

SK chairman dinakip sa buy-bust sa Tanay, Rizal

Sharing is caring!

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Rizal Police Provincial Office ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman sa kanilang isinagawang buy-bust operation sa Tanay, Rizal kahapon ng hapon.

Kinilala itong si Arvien Kenneth Aguirre, alyas Kenneth, 22-anyos, nanalong SK chairman sa Brgy. Mag-Ampon, Tanay.

Sinabi ni Rizal Provincial Director Police Sr. Supt. Lou Frias Evangelista, alas-6:15 ng hapon nang isagawa ang buy-bust operation.

Narekober sa suspek ang isang transparent sachet na naglalaman ng marijuana leaves at buy-bust money.

Sa kasalukuyan nasa kustodiya na ng Tanay Police Station ang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso laban dito. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?