262

Sep 28, 2021 @ 17:04
By

SJDM magkakaroon ng mental health clinic

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang pagtatayo ng mental health clinic sa San Jose Del Monte City sa Bulacan.

Walang tumutol sa pag-apruba sa House Bill 9980 na akda ni San Jose del Monte City Rep. Florida Robes. Ito ay nakatanggap ng 196 boto.

Ang itatayong mental health clinic ay popondohan at pangangasiwaan ng lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Robes na mahalaga na mapangalagaan ang mental health ng publiko lalo na ngayong may pandemya.

“Mental health has been widely ignored and less prioritized by the government as our country has been considered one of the poorest in terms of mental health resources. The problem of mental health has even been more pronounced as we encounter the many ill-effects of COVID-19 with the lockdowns and social distancing which have prevented us from being with our friends and engaging in personal interactions and connection with other people,” sabi ni Robes.

Sinabi ng World Health Organization na mayroong negatibong epekto sa mental health ang pandemya.

Ayon kay Frances Prescila Cuevas, head ng National Health Program ng DOH, tinatayang 3.6 milyong Pilipino ang mayroong mental disorder.

Ang panukalang San Jose Del Monte Mental Wellness Center ay magbibigay ng iba’t ibang serbisyo gaya ng counseling at therapy, crisis counseling, group therapy, mindfulness meditation, at iba pang psychiatric services.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?