41

Jun 2, 2020 @ 11:59
By

Siyam na curfew at liquor ban sa Davao City, pinag-swimming sa kanal

Pinaiimbestigahan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kumalat mula sa kuha sa isang cellphone video na pagpapalinya sa siyam na lalaki Biyernes ng gabi, sa Barangay San Antonio, Agdao, Davao City na lumabag umano sa curfew at liquor ban kaya pinaligo sa kanal bilang parusa.

Base sa interview kay Davao City Mayor Sara Duterte ng Davao City Disaster Radio, ipinaliwanag nitong hindi tama at makatao ang ginawang pagpapalangoy sa kanal sa mga lalaki.

Sinabi nito na nakasaad sa Inter-Agency Task Force Omnibus Guidelines Section 8 na “LGUs are enjoined to enact necessary Ordinance to enforce curfews to penalize in a fair and humane manner”.

“Humane ba ang pa-swimmingon ang usa ka tawo sa kanal? No it’s not humane. What is humane, dapat gipalimpyo sila sa kanal,” sabi Mayor Duterte.

Kasalukuyang nasa ilalim ng general community quarantine ang Davao City habang posibleng maharap sa kasong kriminal at administratibo ang mga tinutukoy na mga pulis.

Ikinuwento ng isa sa siyam na lalaki na pinag-ehersisyo pa muna sila bago pinatalon at pinalublob sa kanal.

Umabot hanggang ala-una ng madaling araw matapos na pinagpush-up ang siyam hanggang singkwenta.

“Akala namin papauwiin na kami pero hindi pa pala hanggang ‘di kami makasisid sa kanal… Gagapangin namin yun, nakainom nga ako bahagya ng tubig wala na akong ganang kumain,” pahayag ng isa sa siyam.

Aminado man siya na lumabag sa curfew pero ayon sa kaniya, hind tama ang pinagawa sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?