356

By

Siya ang baliw! – Panelo kay Trillanes

Ibinalik ng Malacañang kay Senador Antonio Trillanes IV ang pagtawag ng ‘baliw’ kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong makasuhan sa korte dahil sa mga pagsuway sa batas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang mga banat ni Trillanes laban sa Pangulo ay taliwas sa paniniwala ng mayorya ng mga Filipino, patunay dito ang 81% approval rating at 76% trust rating nito sa inilabas na survey ng Pulse Asia.

“When he described President Duterte as “baliw”, he must have been referring to himself and correctly so,” ani Panelo.

Ayon pa sa kalihim, ipinagmamalaki ni Trillanes na hindi siya natatakot harapin ang mga kasong kriminal na inihain laban sa kanya, subalit ang mga pag-iingay nito ay indikasyong natatakot itong bumalik sa kulungan.

Sinabi ni Panelo na inaasahan nilang mas magiging maingay pa ang politika sa panahon ng kampanya sa midterm elections, pero malinaw ang mensahe ng mga Filipino sa survey na sawang-sawa na sila mapanirang pamumulitika ng oposisyon at kritiko ni Pangulong Duterte.

Nais aniya ng mga Pinoy ang malinaw at makatotohanang pagbabago at makita ang resulta nito sa ilalim ng Duterte administration.

“Our people are fed up with the destructive politicking dished out by the opposition and PRRD’s critics and detractors. Filipinos want to maintain the visible and continuing genuine change, as well as the tangible results they are witnessings and experiencing under the current leadership of the President,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?