22

Sixers, selyado na sa No. 3 sa pagtumba sa Bucks

Sharing is caring!

Pasok na sa playoffs ang Philadelphia 76ers matapos nitong bigwasan ang Milwaukee Bucks, 130-95, nitong Miyerkoles ng gabi sa Wells Fargo Center.

Nagsanib sina Dario Saric at Justin Anderson ng pinagsamang 49 points off the bench para upuan ng Sixers ang No. 3 seed sa Eastern Conference standings.

Isinara ng Sixers ang regular season na may 16-game winning streak, kalahati rito ay nilaruan ni All-Star center Joel Embiid, na pahinga muna dahil sa nabaling buto sa mukha.

Haharapin ng No. 3 seed na Philadelphia ang sixth-seeded na Miami Heat habang ang Bucks na nadulas sa No. 7 seed ay makikipaglaban sa second-seeded na Boston Celtics sa first round ng Eastern Conference playoffs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }