59

Aug 8, 2018 @ 22:39
By

Sixers rookie Smith nabalian ng buto

Mukhang si Zhaire Smith ang huling biktima ng kamalasan na dumadapo sa rookies ng Philadelphia 76ers.

Ayon sa Yahoo Sports, nabalian ng buto sa kaliwang paa si Smith, 19, sa developmental camp sa Las Vegas nitong Lunes.

Posibleng sumailalim sa surgery ang rookie mula Texas Tech na 16th overall pick ng Phoenix Suns noong June bago napunta kasama ng 2012 first-round pick sa Philadelphia via Miami kapalit ni Mikal Bridges.

May hindi kagandahang tradsiyon ang 76ers sa mga rookie na inaabot ng foot injuries hindi pa man nag-uumpisa ang season nila.

Ang dalawa sa pinakamaangas na players ng Sixers sa kasalukuyan, sina Joel Embiid at Ben Simmons, ay nawala ng three seasons combined sa pagsisimula ng kani-kanilang careers.

Si Embiid noong 2014-15, naulit noong 2015-16, at si Simmons noong 2016-17. Buong season na hindi nakapaglaro si Simmons sa kanyang rookie year, sumalang lang nitong 2017-18 at naging Rookie of the Year. Pareho pa sila ng injury – sa paa.

Mula 2013, tatlong first-round picks lang ng Philadelphia ang nakapaglaro sa umpisa ng season – sina Michael Carter-Williams (2013), Jahlil Okafor (2015) at Timothe Luwawu-Cabarrot (2016). Wala na silang tatlo sa Sixers.

Si Nerlens Noel ay inabot din ng torn ACL noong 2013, nagkaroon ng shoulder issue si Markelle Fultz noong 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?