34
ben-simmons1
Apr 25, 2018 @ 12:16
By

Sixers pasok sa Eastern Conference semis, tinapos ang Heat sa Game 5

Muli na namang kuminang sina Joel Embiid at Ben Simmons para ihatid ang Philadephia 76ers sa second round sa pamamagitan ng 104-91 win kontra Miami Heat nitong Martes (Miyerkules sa Pilipinas)

Ang 76ers, nanalo lang ng 10 laro sa nagdaang season, ay pasok na sa semifinals ng Eastern Conference playoffs sa unang pagkakataon sapul noong 2012.

Hihintayin ng Philadelphia ang winner ng Milwauke-Boston. Lamang ang Celtics sa serye 3-2.

Tinapos ng Sixers ang serye 4-1.

Namuno si Embiids sa kanyang 19 puntos at 12 rebounds habang may 14 puntos at 10 boards si Simmons.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?