32

May 3, 2021 @ 20:35
By

Sitwasyon ng COVID sa India nakakagulat – Ambassador Bagatsing

Hindi umano inaasahan ng gobyerno ng India ang nangyayaring krisis sa COVID-19.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing na ang datos sa COVID na naitala mula Oktubre 2020 hanggang Marso 2021 ay nilagpasan pa at nangyari lamang ito sa buong buwan ng Abril.

Hindi aniya ito napaghandaan ng India at mismong si Indian Prime Minister Narendra Modi ang nagsabing ang dinaranas ngayon ng kanilang mamamayan ay “once in a century crisis”.

“From October last year to March, the cases of COVID here was 5.9 million. This whole month of April, the COVID case were 6.9 million. In other words, in one month’s time they have had 6.9 million compared to six months,” ani Bagatsing.

Bagama’t marami ang namamatay sa COVID sa India, sinabi ng ambassador na tuloy pa rin ang pagbabakuna at kailangan aniyang mapalakas ang immune system para hindi matamaan ng peligro ng COVID-19.

Sinabi ni Bagatsing na mayroong 73 Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 sa India at nagtutulungan ang embahada at Filipino community para tulungan ang mga ito sa kanilang mga pangangailangan habang nagpapagaling sa pagkakasakit.

“Sa tulong ng DFA we have arranged sa system wherein iyong COVID support group address the issues in terms of medicines and the supplies and the food requirements. Nagte-text at nagcha-chat group kami,” dagdag ni Bagatsing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,