26

Sep 26, 2021 @ 10:31
By

Sitti isinilang na si baby no. 2!

Isa nang mother of two ang singer na Sitti.

Nito lamang Biyernes nang ianunsyo ng bossa nova singer na ipinanganak na niya ang kanyang baby number na 2 na isang girl.

https://www.instagram.com/p/CUMlSG-hUvI/?utm_medium=copy_link

“She’s here!” caption si SItti sa kanyang post sa Instagram kung saan makikita ang picture ni baby Osseah Lucille Ramirez.

“Weighing 5 lbs and 8 ounces, perfectly healthy! With an APGAR score of 9.9. Thank You, Jesus.”

Ito na ang ikalawang anak niya sa mister niyang si Joey Ramirez.

Kasalukuyang 2 years old na ang kanilang unang baby girl na si Issiah Dañelle. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,