10

By

Sister Fox, pinalalayas na ng PHL

Sharing is caring!

Pinagtibay ng Bureau of Immigration (BI) ang nauna nitong kautusan na nagkakansela sa missionary visa na ipinagkaloob nito sa Australyanang madre na si Sister Patricia Fox.

Sa tatlong-pahinang kautusan na may petsang Mayo 17, 2018, ibinasura ng BI Board of Commissioners ang motion for reconsideration ni Sister Fox.

Kasabay nito, iniutos din ng kawanihan ang pag-alis sa bansa ng banyagang madre sa loob ng 30-araw.

“This order is final and executory. We will not entertain any further Motion for Reconsideration,” saad ni BI Commissioner Jaime Morente na chairperson ng Board of Commissioners kasama sina Deputy Commissioners Tobias at Marc Red Mariñas bilang mga miyembro.

Pinadalhan na umano ng BI ng liham si Fox sa pamamagitan ng kanyang abogado kung saan inaabisuhan nila ang madre na tumalima sa utos na umalis sa Pilipinas.

Gayunman, nilinaw naman ni BI Spokesperson Dana Sandoval na ang deportation case laban kay Fox dahil sa pagsali sa mga kilos-protesta sa Pilipinas ay nakabinbin pa rin.

Dahil dito, sinabi ni Sandoval na maaari pa ring makabalik sa Pilipinas si Sister Fox pero bilang isang turista.

Hindi pa naman daw kasi nailalagay ang pangalan ng dayuhang madre sa blacklist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?